Talunang politiko nagbago ng hitsura

Kung dati ay malinis kung tingnan ang dating mambabatas, ngayon ay nagbago na ang mukha ng politiko.

talunang politiko nagbago ng hitsura - Talunang politiko nagbago ng hitsura
kartada11 2 - Talunang politiko nagbago ng hitsura

KARTADA

Kung dati ay malinis kung tingnan ang dating mambabatas, ngayon ay nagbago na ang mukha ng politiko.

Ito ang pagbabago sa mukha ng politiko sapul nang matalo sa nakaraang halalan.

Sa nakalap na impormasyon ni Mang Teban, nagpatubo daw ng balbas ang talunang politiko at medyo humaba din ang buhok.

Nagmukha tuloy itong kontrabida sa pelikula dahil sa bagong hitsura ng politiko.

Nakasama din niya ang isa pang talunang politiko na nagpatubo rin ng balbas.

Wala namang balak ang dalawa na dalawin ang isa pang talunang politiko na nagmistulang ermitanyo na matapos ang masaklap na pagkatalo sa nakaraang halalan.

Pintahan nyo na. Ang mambabatas na nagbago ang hitsura matapos matalo sa nakaraang halalan ay mahilig mag-alaga ng kanyang mga anak. May letrang B sa kanyang pangalan as in Baby.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *