Taiwan bridge tragedy: 2 Pinoy todas, 1 nawawala

NATAGPUAN na ang bangkay ng dalawa sa tatlong Pilipino na naiulat na nawawala matapos mag-collapse ang isang tulay sa Yilan County, Taiwan.

taiwan bridge tragedy 2 pinoy todas 1 nawawala - Taiwan bridge tragedy: 2 Pinoy todas, 1 nawawala
ABANTE Taiwan bridge - Taiwan bridge tragedy: 2 Pinoy todas, 1 nawawala

NATAGPUAN na ang bangkay ng dalawa sa tatlong Pilipino na naiulat na nawawala matapos mag-collapse ang isang tulay sa Yilan County, Taiwan.

“Dalawa na ‘yung nakita. ‘Yung isa, hatinggabi kagabi nang ma-retrieve ang katawan. Kanina na-identify. ‘Yung isa naman, dakong alas-kuwatro na ng umaga,” ani Manila Economic and Cultural Office chair Lito Banayo sa isang panayam sa dzbb.

Nasabihan na umano ang mga pamilya ng dalawang Pilipino tungkol sa pagkamatay ng mga biktima pero hindi pa aniya maaaring ­pangalanan ang mga ito.

Magugunitang noong Martes anim na katao ang naiulat na nawawala kabilang ang tatlong Pilipino matapos gumuho ang tulay sa Taiwan at bumagsak sa mga fishing vessel na nasa ilalim. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *