Tagle pinangunahan Simbang Gabi sa Roma

Sinelebra ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang kauna-unahan niyang Simbang Gabi bilang opisyal ng Vatican City sa Roma.

The post Tagle pinangunahan Simbang Gabi sa Roma first appeared on Abante.

tagle pinangunahan simbang gabi sa roma - Tagle pinangunahan Simbang Gabi sa Roma
Cardinal Luis Antonio Tagle - Tagle pinangunahan Simbang Gabi sa Roma

Sinelebra ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang kauna-unahan niyang Simbang Gabi bilang opisyal ng Vatican City sa Roma.

Isinagawa ni Tagle ang misa bandang alas-3:30 ng hapon kung saan limitadong bilang lang ng tao ang pinayagan sa loob ng Basilica of Saint Mary Major.

Pinayagan ni Pope Francis ang naturang tradisyon na dapat sana’y gaganapin sa St. Peter’s Basilica ngunit inilipat ng simbahan para mas madaming mapapasok na Katoliko.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay isinagawa sa Vatican City ang kauna-unahang Simbang Gabi kung saan si Pope Francis mismo ang nagsermon.

Pinalabas din ang misa ni Tagle sa Basilica di Santa Pudenziana para sa mga taong makinig sa Kardinal.

Si Tagle ay tinalaga bilang prefect ng Vatican Congregation for the Evangelization of Peoples noong Hulyo.

The post Tagle pinangunahan Simbang Gabi sa Roma first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *