Tagle naglabas ng Oratio Imperata kontra dengue, leptospirosis

abante-tonite-leptospirosis

Nag-isyu ang Simbahang Katolika ng Oratio Imperata para matugunan at mapigil ang paglaganap ng sakit na dengue at leptospirosis.

tagle naglabas ng oratio imperata kontra dengue leptospirosis - Tagle naglabas ng Oratio Imperata kontra dengue, leptospirosis
abante tonite leptospirosis - Tagle naglabas ng Oratio Imperata kontra dengue, leptospirosis

Nag-isyu ang Simbahang Katolika ng Oratio Imperata para matugunan at mapigil ang paglaganap ng sakit na dengue at leptospirosis.

Ang Oratio Imperata ay inilabas ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at ipinanawagan na dasalin ng mga mananampalataya, lahat ng mga pari, parokya, at mga relihiyoso sa Archdiocese of Manila, simula ngayong Linggo, Setyembre 1.

Inihayag sa panalangin ang paghingi ng kapatawaran sa mga kasalanan ng tao sa kalikasan, dahil ang maruming kapaligiran ang nagdadala ng mga nakamamatay na sakit sa tao.

Nabatid sa Department of Health (DOH), umabot na sa 208,917 ang bilang ng mga kaso ng dengue na naitala simula Enero 1 hanggang Agosto 10, 2019, kung saan higit 800 na ang nasawi.

Umabot naman sa 1,070 ang nadale ng leptospirosis, 120 dito ang namatay mula Enero 1 hanggang Agosto 10, 2019.

Sanhi nito, kumikilos na din ang Simbahang Katolika sa pamamagitan ng Black Nazarene Foundation, Caritas Manila at Roman Catholic Archdiocese of Manila Disaster Response Ministry para makatulong sa pagtugon sa dengue outbreak.

Narito ang nilalaman ng Oratio Imperata na inilabas ni Cardinal Tagle:
“Makapangyarihan at mapagmahal na Ama, nagpapasalamat kami sa handog mong buhay, sa pagkalinga mong nagpapanatili sa amin, at sa karunungan mong gumagabay sa takbo ng aming buhay. Patawarin mo ang aming mga kasalanan sa iyong pag-ibig, sa aming kapwa, at sa kalikasan. Gawin mo kaming mabuting katiwala ng iyong mga nilikha. Sumasaamin ngayon ang salot ng dengue fever at leptospirosis na nagpapahirap sa marami at kumitil ng maraming buhay.

Nagmamakaawa kami, mapagmahal na Ama. Iligtas mo kami sa mga ito at sa lahat ng uri ng karamdaman. Pagalingin mo ang mga maysakit. At buhayin mo sa amin ang pagkakawanggawa upang kalingain namin ang bawat isa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong Anak mo na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo iisang Diyos, magpasawalang hanggan”. Amen.

“Mahal na Birhen, mapagpa­galing sa maysakit, ipanalangin mo kami. San Rafael Arkanghel, ipanalangin mo kami. San Roque, ipanalangin mo kami.

San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami. San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.” (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *