Taga-Cebu, Leyte bagong milyonaryo sa lotto

Dalawa katao na naman ang naging bagong milyonaryo matapos tumaya sa Grand Lotto 6/55 at Regular Lotto 6/42 game ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na binola nitong Sabado,ayon sa ulat ng ahensya nitong Linggo.

The post Taga-Cebu, Leyte bagong milyonaryo sa lotto first appeared on Abante.

taga cebu leyte bagong milyonaryo sa lotto - Taga-Cebu, Leyte bagong milyonaryo sa lotto
abante lotto - Taga-Cebu, Leyte bagong milyonaryo sa lotto

Dalawa katao na naman ang naging bagong milyonaryo matapos tumaya sa Grand Lotto 6/55 at Regular Lotto 6/42 game ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na binola nitong Sabado,ayon sa ulat ng ahensya nitong Linggo.

Sa ipinadalang advisory ni PCSO General Manager Royina Garma kahapon, nakuha ng nag-iisang bettor mula sa Talisay City, Cebu ang P35,543,079.20 jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 draw.

Nakuha ng nasabing mananaya ang winning combination na 18-52-17-02-54-55, habang anim na mananaya naman ang nanalo din ng tig-P100,000 matapos na makuha ang lima sa anim winning combination.

Samantala, isang mananaya mula sa Ormoc City sa Leyte ang nasolo ang P48 milyon jackpot prize sa regular lotto 6/42 draw na binola din nitong Sabado.

Nakuha ng bettor ang mga winning combination na 26-27-40-21-01-41, habang 21 mananaya naman ang nagwagi din ng tig-P24,000 matapos masungkit ang lima sa anim na winning numbers.(Edwin Balasa)

The post Taga-Cebu, Leyte bagong milyonaryo sa lotto first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *