Taga-Albay jackpot sa P21M 6/42 lotto

Solong napanalunan ng isang residente mula sa Tabaco City, Albay ang mahigit sa P21 milyong jackpot prize sa 6/42 regular lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Huwebes ng gabi.

The post Taga-Albay jackpot sa P21M 6/42 lotto first appeared on Abante.

taga albay jackpot sa p21m 6 42 lotto - Taga-Albay jackpot sa P21M 6/42 lotto
abante lotto - Taga-Albay jackpot sa P21M 6/42 lotto

Solong napanalunan ng isang residente mula sa Tabaco City, Albay ang mahigit sa P21 milyong jackpot prize sa 6/42 regular lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Huwebes ng gabi.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, may kabuuang P21,272,518.20 ang naibulsa ng nag-iisang bettor matapos na makuha ang winning combination na 16-03-11-26-25-09.

Samantala, mayroon namang 82 mananaya ang nakahula ng limang sa anim na winning number at nakapag-uwi ng tig-P24,000.

Sa pagkubra ng kanilang napanalunan, sinabi ni Garma na kinakailangan lamang ng lucky bettor na magtungo sa main office ng PCSO sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang winning ticket at dalawang ID card.

Hinikayat rin ni Garma ang publiko na patuloy na tangkilin ang mga PCSO game upang makatulong sa mga nangangailangang mamamayan at magkaroon ng tiyansang maging instant milyonaryo.

Ang regular lotto 6/42 ay binobola ng PCSO tuwing Martes, Huwebes at Sabado. (Edwin Balasa)

The post Taga-Albay jackpot sa P21M 6/42 lotto first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *