Tacloban nasa state of calamity dahil sa dengue

Itinaas na ang state of calamity sa Tacloban City dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng dengue.

tacloban nasa state of calamity dahil sa dengue - Tacloban nasa state of calamity dahil sa dengue
dengue 4 - Tacloban nasa state of calamity dahil sa dengue

Itinaas na ang state of calamity sa Tacloban City dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng dengue.

Una nang hiniling ni Mayor Alfred Romualdez sa Sangguniang Panlungsod ng Tacloban na magdeklara ng state of calamity upang agarang matugunan ang mga nagkakasakit ng dengue at maagapan ang pagkalat nito lalo na ngayong panahon ng tag-ulan base sa rekomendasyon ng City Health Office.

Simula Enero 1 hanggang Hulyo 26, uma­bot na sa alert at epidemic threshold ang kaso ng dengue sa Tacloban na umabot na sa 750 na mas mataas sa naitalang kaso 2018 na nasa 256 lamang.

Sa pagpapalabas ng state of calamity, magagamit ang nakalaang pondo sa Quick Response Fund para ipambili ng kinakaila­ngang mga gamit at gamot bilang pampuksa sa dengue. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *