Taas-presyo uli sa produktong petrolyo

gasolina

MULI na naman nagpatupad ng oil price hike sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na epektibo ngayong araw.

The post Taas-presyo uli sa produktong petrolyo appeared first on Abante News Online.

taas presyo uli sa produktong petrolyo - Taas-presyo uli sa produktong petrolyo
gasolina - Taas-presyo uli sa produktong petrolyo

MULI na naman nagpatupad ng oil price hike sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na epektibo ngayong araw.

Pinangunahan ng mga kompanyang Pilipinas Shell, PTT Philippines CPI (Caltex), Seaoil at Petro Gazz ang pagtaas presyo na P0.75 kada litro ng gasolina, P0.80 kada litro ng diesel at P0.90 kada litro ng kerosene.

Epektibo ngayong alas-sais nang umaga ang taas-presyo.

Inaasahan namang susunod na magpatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang ilan pang kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na dagdag presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Magugunitang nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng gasolina na P0.10 kada litro habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene.

The post Taas-presyo uli sa produktong petrolyo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *