Taas buwis ni Erap babasagin nina Lim, Isko

TINIYAK ng magkalaban na sina dating Manila Mayor Alfredo Lim at da­ting Vice Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso na ibababa nila ang umiiral na real property tax computation na ipinatutupad ngayon ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

The post Taas buwis ni Erap babasagin nina Lim, Isko appeared first on Abante News Online.

taas buwis ni erap babasagin nina lim isko - Taas buwis ni Erap babasagin nina Lim, Isko
erap 2 - Taas buwis ni Erap babasagin nina Lim, Isko

TINIYAK ng magkalaban na sina dating Manila Mayor Alfredo Lim at da­ting Vice Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso na ibababa nila ang umiiral na real property tax computation na ipinatutupad ngayon ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Ayon kay Lim, ibabalik niya ang tax rate na binabayaran ng mga tax payer sa ipinatutupad na rate noong 2007 kung siya ang papalarin na maging susunod na alkalde ng Maynila.

Habang sinabi ni Domagoso na babawasan niya ng 40% ang ibinabayad na buwis, kapag naupo, habang tig-20% naman ang ibabawas niya sa mga susunod na taon hanggang matapos ang kanyang termino kapag pinalad na magwagi.

Nabatid kay Lim na tumaas ng 300% ang buwis na binabayaran ng mga tax payer nang magsimulang manungkulan si Manila Mayor Joseph Estrada.

Nalaman na maraming negosyante sa Binondo ang nagreklamo kay Lim dahil sa napakataas na buwis na kanilang binabayaran sa lokal na pamahalaan ng Maynila. (Juliet de Loza-­Cudia)

The post Taas buwis ni Erap babasagin nina Lim, Isko appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *