Swine pork, ban sa Iloilo

Swine pork, ban sa Iloilo

NAGPALABAS ng executive order si Iloilo Governor Arthur Defensor, Jr. hinggil sa pagbabawal sa pagpasok ng mga karneng baboy mula sa mga lugar na apektado ng African swine fever (ASF).

swine pork ban sa iloilo - Swine pork, ban sa Iloilo
defensor - Swine pork, ban sa Iloilo

NAGPALABAS ng executive order si Iloilo Governor Arthur Defensor, Jr. hinggil sa pagbabawal sa pagpasok ng mga karneng baboy mula sa mga lugar na apektado ng African swine fever (ASF).

Ang nasabing kautusan ay bunsod na rin sa pagkakadiskubre ng Department of Agriculture sa kumakalat na virus na nagmula sa mga bansang Europe at Asia kabilang ang Latvia, Poland, Romania, Russia, Ukraine, Luxembourg, Belgium, Bulgaria,­ Moldova, Vietnam, Cambodia, Myanmar, Laos, South Korea, and China.

Labis pa itong ikinaalarma nang magpositibo sa Rizal at Bulacan ang mga baboy sa isinagawang pagsusuri sa ASF virus.

“African swine fever is a threat to the swine industry and the food security of the province,” saad ni Defensor.

Bunga nito’y inatasan ng gobernador ang mga kinauukulang ahensiya na maghigpit sa pagbabantay partikular na sa mga pantalan at paliparan para ‘di makapasok sa nasabing siyudad ang pinangangambahang ASF. (Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *