Swan boat ng Baguio nagamit pang-rescue sa mga binaha

Nagamit na ang mga swan boat mula sa Burnham Park, Baguio City bilang pang-rescue sa mga residenteng nalubog sa baha sa mga barangay Anquiray at Abollo sa Amulung, Cagayan.

The post Swan boat ng Baguio nagamit pang-rescue sa mga binaha first appeared on Abante.

swan boat ng baguio nagamit pang rescue sa mga binaha - Swan boat ng Baguio nagamit pang-rescue sa mga binaha
Swan boat - Swan boat ng Baguio nagamit pang-rescue sa mga binaha

Nagamit na ang mga swan boat mula sa Burnham Park, Baguio City bilang pang-rescue sa mga residenteng nalubog sa baha sa mga barangay Anquiray at Abollo sa Amulung, Cagayan.

Maliban sa pang-rescue ay ginamit din ang mga swan boat bilang libangan para sa mga batang nagka-trauma sa baha, ayon sa Facebook post ng Public Information Office – City of Baguio.

Sa pamamagitan ng Baguio City Police Office, ipinahiram ni boat owner Vivian Celso ang apat na swan at pontoon boat sa Cagayan bilang tulong sa mga apektado ng baha na dinulot ng bagyong Ulysses.

Linggo ng gabi naihatid ang naturang mga bangka sa lalawigan ng Cagayan sakay ng boat trailer mula sa Pangasinan Police Marine Office.

Kada swan boat ay kayang magsakay ng sampung katao. (IS)

https://www.facebook.com/pio.baguio/posts/682778835707575

The post Swan boat ng Baguio nagamit pang-rescue sa mga binaha first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *