Suweldo ng mga gov’t nurse ipapako sa ₱30K

Suweldo ng mga gov’t nurse ipapako sa ₱30K

Para mapigilan ang mga nurse na maghanap ng trabaho abroad, naghain ng panukala si Senador Francis ‘Kiko’ Pangi­linan na naglalayong itaas ang suweldo sa entry-level go­vernment nurses sa P30,531.

The post Suweldo ng mga gov’t nurse ipapako sa ₱30K appeared first on Abante News Online.

suweldo ng mga govt nurse ipapako sa e282b130k - Suweldo ng mga gov’t nurse ipapako sa ₱30K
nurse 4 - Suweldo ng mga gov’t nurse ipapako sa ₱30K

Para mapigilan ang mga nurse na maghanap ng trabaho abroad, naghain ng panukala si Senador Francis ‘Kiko’ Pangi­linan na naglalayong itaas ang suweldo sa entry-level go­vernment nurses sa P30,531.

“Sa huli, ang layunin ng panukalang ito ay ang mapabuti ang kalagayan ng propesyon ng nursing at ang itaguyod ang kalidad ng panganga­lagang pangkalusugan para sa lahat ng mga Pilipino,” pahayag ni Pangilinan sa kanyang inihaing Se­nate Bill 260.

Inihain ng senador ang panukala dahil napansin nitong masyadong mababa ang suweldo ng mga nurses dito sa Pilpinas bukod sa napakahaba ng oras ng kanilang trabaho.

Ito aniya ang dahilan kung bakit naiisipan ng mga nurse na magtrabaho sa ibang bansa kung saan kumikita sila ng malaki.

“So we have a situation of Filipinos ta­king care of the health of foreigners while our kababa­yans hardly ever see a health professional,” ani Pangilinan.

Sa talaan ng World Health Organization (WHO), tinata­yang aabot sa 22,000 mga Pinoy nurse ang umaalis na bansa. Sa Estados Unidos, halos 50% ng mga nurses doon ay mga Pilipino.

Dahil dito, naaubos na aniya ang mahuhusay na nurse at naapektuhan ang health system ng bansa.

Sa kanyang panukala, nais ni Pa­ngilinan na gawing Salary Grade 15 o kautmbas sa P30,531 ang entry level ng mga nurse ng gusto magtrabaho sa gobyerno.

Sa kasalukuyan, P8,000 hanggang P13,500 lamang ang entry-level ng mga nurse sa gobyerno. (Dindo Matining)

The post Suweldo ng mga gov’t nurse ipapako sa ₱30K appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *