Susunod na Chief Justice, dapat may consultative personality – Leonen

Susunod na Chief Justice, dapat may consultative personality - Leonen

Naniniwala si Associate Justice Marvic Leonen na dapat mayroong consultative personality ang susunod na mauupo bilang pinuno ng hudikatura.

susunod na chief justice dapat may consultative personality leonen - Susunod na Chief Justice, dapat may consultative personality – Leonen
leonene - Susunod na Chief Justice, dapat may consultative personality – Leonen

Naniniwala si Associate Justice Marvic Leonen na dapat mayroong consultative personality ang susunod na mauupo bilang pinuno ng hudikatura.

Sa deliberasyon ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa susunod na uupong CJ, idiniin ni Leonen na dapat may consultative personality ang mapipili dahil kaakibat aniya ng trabaho ang malawakang pakikinig sa kanyang kapwa justices at court personnel.

Dapat din anyang ipagpatuloy ng pinuno ng hudikatura ang e-courts nang sa gayon ay maging efficient ang mga korte sa bansa.

Maging ang pag-monitor ng integrity at competence ng mga miyembro ng bar, mula lawyers hanggang judges at justices.

“The intellectual leadership shows not only in what he or she writes, the intellectual leadership shows in how he or she is able to bring ideas together for he or her to step back a little from his or her own position and be humble a little and allow the others to show where they are and then come out with a solution. That requires a lot of listening,” ayon kay Leonen.

Nauna nang tinanggihan ni Leonen ang kanyang nominasyon para sa susunod na CJ ng Korte Suprema.

Ito ay dahil mas marami pa raw aniyang mas deserving na judges.

Sa darating na Oktubre 18 nakatakda namang magretiro si Chief Justice Lucas Bersamin. (Anne Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *