Suspensyon sa SLEX toll fee sinisipat ng TRB

PINAG-AARALAN ng Toll Regulatory Board (TRB) ang panukala na pansamantalang suspendihin ang pagbabayad ng toll sa South Luzon Expressway dahil sa dinaranas na kalbaryo ng mga motorista sa usad-pagong na trapik.

suspensyon sa slex toll fee sinisipat ng trb - Suspensyon sa SLEX toll fee sinisipat ng TRB
toll fee - Suspensyon sa SLEX toll fee sinisipat ng TRB

PINAG-AARALAN ng Toll Regulatory Board (TRB) ang panukala na pansamantalang suspendihin ang pagbabayad ng toll sa South Luzon Expressway dahil sa dinaranas na kalbaryo ng mga motorista sa usad-pagong na trapik.

Sinabi ni Julius Corpuz, tagapagsalita ng TRB noong Huwebes, na pinag-aaralan na ng tanggapan at nakaabot na kay Transportation Secretary Arthur Tugade na siya ring TRB chairman ang nasabing kahilingan na isinusulong ng ilang mambabatas.

Ayon kay Corpuz, sa ilalim ng batas ay may kapangyarihan ang TRB na magbigay ng kautusan sa kung sinuman ang contractor ng Skyway extension.

Lalo na aniya at kung ang kadahilanan ay ang pagpapabaya ng contractor ng Skyway, na hindi nila ginawa ang nararapat at lalong sumama ang lagay ng traffic.

Ang pagbagtas sa SLEX mula sa mga lugar sa timog ng Maynila ay umaabot na ngayon sa halos tatlo hanggang limang oras na biyahe mula nang simulan ang paglalagay ng mga poste para sa anim na kilometrong Skyway extension ayon kay Laguna Rep. Sol Aragones.

“Halos kalahati ng buhay mo sa isang araw, nakakakain na talaga ng traffic pagdating dito sa SLEX,” ayon pa kay Aragones.

Sinabi ni Aragones na sa Lunes ay maghahain siya ng resolution na naglalayong himukin ang iba pang mga mambabatas na obligahin ang TRB na suspendihin ang pagbabayad ng tollpay.

Nasa 370,000 motorista ang dumadaan sa SLEX araw-araw at nasa 190,000 dito ang gumagamit ng Skyway.

Sa pagsasara ng outer lane ng SLEX sa may bahagi ng Muntinlupa City, nagsimula na ang kalbaryo sa northbound lane ng expressway na halos umaabot sa 24 na kilometro ang pila ng sasakyan sa peak hours.

Tinatayang sa December pa magbabalik sa normal ang daloy ng trapiko dito kapag nakumpleto na ang paglalagay ng mga poste ng extension. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *