Suspek sa pagpatay ng brgy chairman arestado

arrested

TIWALA si Palayan City, Nueva Ecija Mayor Adrianne Mae Cuevas na hindi fall guy ang umano’y naarestong salarin sa pagpaslang kay Barangay Chairman Beato Bautista Pascua, 54-anyos ng Brgy. Ganaderia, Palayan City, noong nakaraang Linggo.

The post Suspek sa pagpatay ng brgy chairman arestado appeared first on Abante News Online.

suspek sa pagpatay ng brgy chairman arestado - Suspek sa pagpatay ng brgy chairman arestado
arrested - Suspek sa pagpatay ng brgy chairman arestado

TIWALA si Palayan City, Nueva Ecija Mayor Adrianne Mae Cuevas na hindi fall guy ang umano’y naarestong salarin sa pagpaslang kay Barangay Chairman Beato Bautista Pascua, 54-anyos ng Brgy. Ganaderia, Palayan City, noong nakaraang Linggo.

“I trust the local police with their investigation and in handling the case,” saad ni Cuevas sa Abante.

Sa media briefing noong Mayo 22 nang hapon, iniulat ni P/Col. Leon Victor Rosete, Nueva Ecija police director, iniulat nito na naaresto dakong alas-11:45 nang umagang iyon ang salarin na si Carlito de la Cruz Reyes; 35, alyas Jonjon, construction worker, residente ng Brgy. Pula, Talavera, Nueva Ecija.

Nasukol umano si Reyes sa Camella Homes, Brgy. Valle Cruz, Cabanatuan City ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Branch at Special Operations Unit ng Nueva Ecija Provincial Police Office at Palaya­n City police sa ilalim ni Lt. Colonel Armando Muena.

Ito ay naaresto kulang 26 oras makaraang maisagawa ang pamamaslang sa tahanan ni Kapitan Pascua.

Ayon sa pulisya, si Reyes ay miyembro ng gun-for-hire na kumikilos sa Nueva Ecija at karatig na mga lalawigan. (Jojo De Guzman)

The post Suspek sa pagpatay ng brgy chairman arestado appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *