Suspek sa Caloocan masaker sumuko

Sumuko sa mga awtoridad ang isa sa apat na persons of interest sa pagpatay sa dalawang nursing graduate at isang estudyante sa Caloocan noong September 27.

The post Suspek sa Caloocan masaker sumuko first appeared on Abante.

suspek sa caloocan masaker sumuko - Suspek sa Caloocan masaker sumuko
abante massacer - Suspek sa Caloocan masaker sumuko

Sumuko sa mga awtoridad ang isa sa apat na persons of interest sa pagpatay sa dalawang nursing graduate at isang estudyante sa Caloocan noong September 27.

Kinilala ang sumuko na si Anselmo Singkol, 37, isang construction worker, mula sa Samar.

Nauna nang napasakamay ng mga awtoridad ang mga kapatid ni Anselmo na sina Alden at Adonis Singkol, na tinuturing ding persons of interest sa krimen.

Ang magkakapatid kabilang ang iba pang persons of interest ay pawang mga construction worker na nagtatrabaho sa pinapagawang bahay ng mga biktima sa Amparo Subdivision, North Caloocan.

Magugunitang natagpuang tadtad ng saksak ang magpinsang sina Arjay Belencio at Glydel Belonio pati na ang kasama nila sa bahay na si Mona Ismael habang nawawala rin ang ilang gamit nila gaya ng mga pera at ATM card.

Ayon sa ulat, ang tiyuhin na isang retiradong pulis ang kumumbinsi kay Anselmo na sumuko.

Sabi ni Police Col. Dario Menor, Caloocan Police chief, inamin ni Anselmo na isa siya sa mga nagplano ng krimen pero itinanggi niyang kasama siya sa pagpatay sa mga biktima, na kagagawan daw ng isang ‘Ronron’.

Nahaharap ang magkakapatid sa kasong murder.

The post Suspek sa Caloocan masaker sumuko first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *