Sushi delivery may kasamang borta

Kakaibang pakulo ang naisip ng isang chef-bodybuilder sa Japan para maisalba ang kanyang sushi business sa panahon ng coronavirus pandemic.

The post Sushi delivery may kasamang borta first appeared on Abante.

sushi delivery may kasamang borta - Sushi delivery may kasamang borta
Sushi - Sushi delivery may kasamang borta

Kakaibang pakulo ang naisip ng isang chef-bodybuilder sa Japan para maisalba ang kanyang sushi business sa panahon ng coronavirus pandemic.

Inalok ni Masanori Sugiura, 41, ang kanyang mga kasamahang bodybuilder para maging delivery boy ng mga produkto ng kanyang sushi restaurant na dahil sa pandemya ay bumulusok ang kita. Nilunsad ng may-ari ang ‘Delivery Macho’ service, kung saan ide-deliver ng mga borta ang pagkain sa bahay ng mga customer.

Nagbebenta sila ng mga bento boxed lunch na pang-isang tao, mga shareable sushi set, at maging mga multi-item party platter. Kapag dinedeliber na nila ang pagkain, hinuhubad ng mga lalaki ang kanilang pantaas na suot at nagpo-pose sa customer.

Pwede rin umanong magpa-picture sa mga ito nang may pag-obserba sa social distancing o dalawang metrong pagitan sa customer.

Patok ang pakulo ni Sugiura sa social media. Naging viral ang Delivery Macho sa Twitter Japan nang i-launch na ang official website nito.

Bukod dito, tumatanggap aniya ang Imazushi nang walo hanggang 10 order sa isang araw at kumikita kada buwan nang ¥1.5 million (₱686,000) dahil sa Delivery Macho.

Nabatid na nagsimulang mag-gym ang naturang chef noong 20s siya at sumali sa mga bodybuilding competition noong 30s. Nito lang Pebrero, pangatlo na siya sa world championship for bodybuilding. (SDC)

The post Sushi delivery may kasamang borta first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *