Survey ng katunggali ni Magi tinawanan ng mga supporter

TINAWANAN lang ng mga taga-suporta sa Valenzuela City ng nagbabalik-Kongreso na si Atty. Magi Gunigundo ang survey na inilabas ng kampo ni Cong. Eric Martinez kung saan lamang daw ang huli para sa congressional race sa May 13 election. 

The post Survey ng katunggali ni Magi tinawanan ng mga supporter appeared first on Abante News Online.

survey ng katunggali ni magi tinawanan ng mga supporter - Survey ng katunggali ni Magi tinawanan ng mga supporter
magi 1 - Survey ng katunggali ni Magi tinawanan ng mga supporter

TINAWANAN lang ng mga taga-suporta sa Valenzuela City ng nagbabalik-Kongreso na si Atty. Magi Gunigundo ang survey na inilabas ng kampo ni Cong. Eric Martinez kung saan lamang daw ang huli para sa congressional race sa May 13 election. 

Base sa resulta, nakakuha raw ng 86% si Martinez habang 12% lang ang pumabor kay Magi at 2% ang mga undecided. 
Ilan lamang sa mga natawa ay sina Karuha­tan Punong Barangay Ricardo ‘Boy’ De Gula. 

“Tambak nga siya dito sa Karuhatan, saan n’ya (Martinez) ang survey na ‘yan,” ani Capt. De Gula. 

Maging sina Kap. Bong Ferrer, Kagawad Ellaine Manalaysay at Kagawad Apiong Delos Reyes ay natawa sa survey ng kampo ni Martinez. 

“Parang hindi nakakapaniwala eh. San kaya siya (Martinez) kumuha ng mga isu-survey,” sabi ni Kap. Bong. 

Sa huling survey na ginawa ng kampo ni Cong. Magi, 74% ang nakuha ng nagbabalik Congressman sa district 2 ng Valenzuela habang si Martinez ay nakakuha lamang ng 26%.

Dagdag pa ng mga supporter ni Cong. Magi, umaangkas lamang si Martinez sa popularidad at mga proyekto ni Mayor Rex Gatchalian. 

Hinala nila posibleng ang survey na ginawa ng kampo ni Martinez ay para sa mayoralty race at hindi sa congressional position. 

Nais lang daw nito na iprograma ang utak ng mga taga-second district sa Valenzuela City na lamang siya para sa May 13 election.

The post Survey ng katunggali ni Magi tinawanan ng mga supporter appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *