Surigao ayaw tantanan ng lindol

Sunod-sunod ang malalakas na paglindol sa Surigao del Sur matapos na alugin ang naturang lugar ng magnitude 5.3 earthquake, Huwebes ng umaga.

The post Surigao ayaw tantanan ng lindol first appeared on Abante.

surigao ayaw tantanan ng lindol - Surigao ayaw tantanan ng lindol
lindol 2 - Surigao ayaw tantanan ng lindol

Sunod-sunod ang malalakas na paglindol sa Surigao del Sur matapos na alugin ang naturang lugar ng magnitude 5.3 earthquake, Huwebes ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, alas-6:10 ng umaga nang tumama ang lindol sa 63 kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Bayabas.

Saad pa, ang lindol ay aftershock ng magnitude 5.7 na lindol na yumanig sa Bayabas, Surigao del Sur noong Setyembre 21, kung saan nagkaroon din ng magnitude 5.1 na lindol noong Setyembre 24.

Naramdaman anila ang Intensity IV sa parehong lugar, at Instrumental Intensity I sa Surigao City.

Hindi naman inaasahan ang alinmang pinsala o aftershock mula sa magnitude 5.3 na lindol. (Riley Cea)

The post Surigao ayaw tantanan ng lindol first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *