Supporter ng kandidato kalaboso sa vote buying

KULONG ang supporter ng isang local candidate na umano’y nanggagapang para mamili ng boto sa mga botante sa Malabon City, kamakalawa nang gabi.

The post Supporter ng kandidato kalaboso sa vote buying appeared first on Abante News Online.

supporter ng kandidato kalaboso sa vote buying - Supporter ng kandidato kalaboso sa vote buying
ABANTE kalaboso - Supporter ng kandidato kalaboso sa vote buying

KULONG ang supporter ng isang local candidate na umano’y nanggagapang para mamili ng boto sa mga botante sa Malabon City, kamakalawa nang gabi.

Kinilala ang nadakip­ na suspek na si Joel Adora, 48, may asawa, nakatira sa No. 10 Burgos St., Brgy. Concepcion ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, bandang alas-9:30 nang gabi, nagpapatrul­ya ang mga barangay tanod na sina Albert Vergara at Jose Bajado sa kahabaan ng Gover­nor Pascual Avenue, Brgy. Concepcion, Malabon City.

May mga concerned citizen na lumapit sa kanila at sinabi na may lalaking nakasakay sa Toyota Vios (Plate Number NCC-8244) at kausap si Adora.

Kahina-hinala daw ang kilos ng lalaking sakay ng kotse at ng suspek kungsaan may iniabot na mga papel sa huli.

Kaagad na pinunta­han ng mga ito ang lugar. Nakuha ng mga tanod sa suspek ang mga puting envelope na may lamang P300 bawat isa, 15 piraso ng resibo na nakapangalan umano sa isang konsehal at mga voters list na umano’y pagbibigyan ng P300.

Dinala sa presinto si Adora para sampahan ng kasong vote buying. Katwiran ng suspek mga allowance daw iyon ng kanilang mga worker’s para sa May 13 election.

Samantala, kinondena kahapon ni Manila 1st District Congressional bet Benjamin Atong Asilo ang umano’y vote buying activity sa congressional race sa unang­ distrito ng Maynila.

Kasunod nito, umapela si Asilo sa kanyang mga constituent na bumoto batay sa kanilang konsyensiya nguni’t ibasura ang mga mandaraya, desperado at walang pruwebang kandidato.

Ayon kay Asilo ng Pwersa ng Masang Pilipino ni Manila mayoralty­ bet Erap Estrada na alang-alang sa katarungan, fairness at katotohanan kailangan imbestigahan kaagad ito ng Commission on Elections (Comelec).

Napaulat na nagkaroon umano ng bilihan ng boto at nakunan ang pagbibigay ng tig–P200 sa mga tricycle driver sa mismong district office ng isang congressional bet na ayon kay Asilo ay paglabag sa Omnibus Election Code at hindi dapat palampasin ng Comelec. (Orlan Linde)

The post Supporter ng kandidato kalaboso sa vote buying appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *