Suporta ni Duterte kay Faeldon wa epek sa Ombudsman

WALANG epekto sa magiging resulta ng imbestigasyon ng Ombudsman sa isyu ng katiwalian ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiwala pa rin ito kay Nicanor Faeldon kahit pa sinibak niya ito sa Bureau of Corrections (BuCor).

suporta ni duterte kay faeldon wa epek sa ombudsman - Suporta ni Duterte kay Faeldon wa epek sa Ombudsman
duterte 105 - Suporta ni Duterte kay Faeldon wa epek sa Ombudsman

WALANG epekto sa magiging resulta ng imbestigasyon ng Ombudsman sa isyu ng katiwalian ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiwala pa rin ito kay Nicanor Faeldon kahit pa sinibak niya ito sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ang tiniyak ng Malacañang sa harap na rin ng agam-agam na baka makaimpluwensiya ang naging pahayag ng Pangulo kay Faeldon sa imbes­tigasyon sa kontrobersiyang idinulot ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nakatitiyak siyang hindi magpapadala si Ombudsman Samuel Martires, at susundin at gagawin ang kanyang mandato sang-ayon sa Kons­titusyon.

“It doesn’t mean anything. That’s a personal statement of the President because he knows him personally and the Ombudsman will never be in­fluenced nor intimidated—knowing the Ombudsman Sammy Martires. His reputation is solid. He will go about his work as the Constitution directs him to do,” ani Panelo.

Binigyang-diin pa ng kalihim na kahit sabihin pa ni Pangulong Duterte na may tiwala ito kay Faeldon kung lumabas sa imbestigasyon na may nagawa itong pagkakamali ay dapat na sundin kung ano ang magiging pasya ng Ombudsman.

“‘Di ba sinasabi na kahit may tiwala ka diyan kung when the investigation shows na nagkamali siya. Kung performance-wise, competence-wise, ibang usapan ‘yan doon sa corruption,” dagdag pa ni Pane­lo.

(Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *