Suplay ng tubig sa Metro binawasan

Asahan na hihina ang supply ng tubig sa Metro Manila dahil sa pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam kung saan binawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig para sa irigasyon mula sa 30 cubic meter per second ay magiging 25 cubic meters per second sa susunod na buwan.

The post Suplay ng tubig sa Metro binawasan first appeared on Abante.

suplay ng tubig sa metro binawasan - Suplay ng tubig sa Metro binawasan
abante tubi - Suplay ng tubig sa Metro binawasan

Asahan na hihina ang supply ng tubig sa Metro Manila dahil sa pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam kung saan binawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig para sa irigasyon mula sa 30 cubic meter per second ay magiging 25 cubic meters per second sa susunod na buwan.

Paliwanag ni Dr. Sevillo David Jr., Executive Director ng NWRB, nasa 178.08 meters ang lebel ngayon ng tubig sa Angat Dam, na mas mababa sa 180 meters minimum operating level.

“Kaya sa ngayon, minabuti ng NWRB na bawasan muna ng alokasyon para sa Metro Manila na from 46 cubic meters per second ay magiging 44 cubic meters per second, effective Oct. 1,” ayon sa panayam kay David.

“Gusto rin nating pangalagaan yung pangangailangan ng mga kababayan natin sa Metro Manila at lalo po itong panahon ng pandemya kaya nakikipagtulungan tayo sa MWSS para itong pagbabawas na ginagawa natin galing sa Angat Dam ay hindi makaapekto sa mga kababayan natin ngayong panahon ng COVID dito sa Metro Manila,” sabi pa ni David. (Vick Aquino)

The post Suplay ng tubig sa Metro binawasan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *