Super typhoon Hagibis ‘di tatama sa ‘Pinas

HINDI na papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang super typhoon na may international name na Hagibis dahil sa paglihis nito ng direksyon ay inaasahang hahagupitin nito ang bansang Japan.

super typhoon hagibis di tatama sa pinas - Super typhoon Hagibis ‘di tatama sa ‘Pinas
hagibis 1 - Super typhoon Hagibis ‘di tatama sa ‘Pinas

HINDI na papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang super typhoon na may international name na Hagibis dahil sa paglihis nito ng direksyon ay inaasahang hahagupitin nito ang bansang Japan.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), mangingilid lamang ang bagyo sa hilagang silangang bahagi ng PAR bago ito tuluyang tumama sa Japan sa Sabado o Linggo.

Sa datos ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) naging mabilis ang paglakas ng bagyong Hagibis, mula sa isang tropical storm ay naging super typhoon sa loob ng 24 oras, taglay nito ang lakas ng hangin na nasa 200kph, bugso na 245kph at kumikilos sa bilis na 20kph.

Sa monitoring ng Pagasa ay napakalaki umano ng sirkulasyon ng bagyong Hagibis, bilang paghahalimbawa umano, kung itatapat ang lawak ng bagyo ay kaya nitong takpan ang buong kaulapan ng Pilipinas na tiyak umanong magdudulot ng pag-uulan sa malaking bahagi ng bansa.

Sinabi ni Pagasa weather specialist Meno Mendoza na sa ngayon ay walang direktang epekto ang bagyong Hagibis sa bansa at ang nararanasang kalat-kalat na pag-uulan ay dulot ng northeasterlies surface windflow na umiiral sa Luzon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *