Sundalo todas sa landmine

Patay ang isang sundalo makaraang suma­bog ang improvised explosive device na itinanim ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Sta. Rosa, Lopez, Quezon Linggo nang hapon.

sundalo todas sa landmine - Sundalo todas sa landmine
dead 6 - Sundalo todas sa landmine

Patay ang isang sundalo makaraang suma­bog ang improvised explosive device na itinanim ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Sta. Rosa, Lopez, Quezon Linggo nang hapon.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Private Kim Veluz, nasa hustong gulang, mi­yembro ng Alpha Company ng 85th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Sa ulat ng Police Regional Office 4-A na isinumite sa Camp Crame, naganap ang insidente sa kahabaan ng Barangay Sta. Rosa, Lopez, Quezon dakong alas-4:30 nang hapon.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang lulan ng motorsiklo ang biktima patungo sa kabayanan ng Lopez nang masagasaan umano ang landmine dahilan ng isang ma­lakas na pagsabog.

Sa lakas ng pagsa­bog ay nasapul ang katawan ng biktima na agad binawian ng buhay sa insidente.

Samantala, natukoy naman ang dalawa sa mga rebelde na responsable sa pagtatanim ng bomba na sina Cecilia Mondia at Hilario de Roxas, pawang mga aktibong miyembro ng NPA.

Bago ang insidente, dakong alas-6:30 nang umaga nang nakasagupa ng tropa ng militar ang nasa sampung rebelde sa Barangay Cagsiay 2, Mauban, Quezon.
Ang palitan ng pu­tok ay tumagal ng 15 minuto bago nagsitakas ang mga rebelde patungo sa hindi pa mabatid na direksyon.

Samantala, habang nagsasagawa ng clea­ring operation ay narekober naman ng mga sundalo ang isang jungle pack na may lamang tatlong magazine, isang mahaba at maikling armas, Nokia cellphone at mga suber­sibong dokumento.
Nasakote naman sa operasyon ang 18-an­yos na si Rose Marie Macatangay na nakorner ng mga sundalo matapos maiwan ng mga nagsitakas nitong kasamahan. (Edwin Balasa/Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *