Sundalo namaril sa base militar, 8 todas

NAMATAY ang walong sundalo habang dalawa pa ang sugatan matapos mamaril ang isa nilang kasamahan na inatake ng nervous breakdown sa isang military base sa Siberia.

sundalo namaril sa base militar 8 todas - Sundalo namaril sa base militar, 8 todas
baril 2 - Sundalo namaril sa base militar, 8 todas

NAMATAY ang walong sundalo habang dalawa pa ang sugatan matapos mamaril ang isa nilang kasamahan na inatake ng nervous breakdown sa isang military base sa Siberia.

Nawala umano sa sarili ang Russian soldier na si Ramil Shamsutdinov, 20-anyos, alas-6:20 nang gabi noong Sabado habang nagpapalitan ng magbabantay sa ‘repair and technical base’ sa Transbaikal Region, ayon sa Daily­mail report.

Agad namatay ang walong kasamahang sundalo ni Shamsutdinov sa base militar sa Gorny habang dalawa ang dinala sa ospital.

Una umanong tinarget ni Shamsutdinov ang kanyang kapitan at sinunod na binaril sa mga ulo ang iba pa niyang kasamahan.

Matapos ang pamamaril ay tumakas si Shamsutdinov at tumakbo sa kalapit na lugar.

Naaresto naman ang suspek na sundalo sa joint police at army operation kung saan agad niyang sinabi na wala siyang pinagsisihan sa nangyari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *