Sundalo, 5 NPA todas sa engkuwentro

Isang sundalo, at 5 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng dalawang panig sa Palawan kahapon ng madaling-araw.

The post Sundalo, 5 NPA todas sa engkuwentro first appeared on Abante.

sundalo 5 npa todas sa engkuwentro - Sundalo, 5 NPA todas sa engkuwentro
patay 1 3 - Sundalo, 5 NPA todas sa engkuwentro

Isang sundalo, at 5 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng dalawang panig sa Palawan kahapon ng madaling-araw.

Nagkasagupaan ang mga tropa ng Joint Task Group South/MBLT4 ang mga teroristang grupo ng NPA sa Brgy Mainit, Brooke’s Point, Palawan.

Sinabi naman ni Palawan Governor Jose Chavez Alvarez na malaking dagok ito sa mg rebelde, pinuri din niya ang mga sundalo.

“Patuloy pa rin akong nananawagan sa rebeldeng grupo na hindi pa huli ang lahat at gumaya sila sa kanilang mga kasamahan na nagbalik-loob na sa pamahalaan upang maiwasan ang mga ganitong insidente at pagkasawi ng mga buhay,” dagdag pa ni Gov Alvarez. (Kiko Cueto)

The post Sundalo, 5 NPA todas sa engkuwentro first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *