Summer umpisa na – Pagasa

Summer umpisa na - Pagasa

TUMIGIL na ang pag-iral ng Northeast Moonsoon o Hanging Amihan kaya opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(Pagasa) ang pagpasok ng dry season o panahon ng tag-init.

The post Summer umpisa na – Pagasa appeared first on Abante News Online.

summer umpisa na pagasa - Summer umpisa na – Pagasa
summer - Summer umpisa na – Pagasa

TUMIGIL na ang pag-iral ng Northeast Moonsoon o Hanging Amihan kaya opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(Pagasa) ang pagpasok ng dry season o panahon ng tag-init.

Kasabay nito ang nagbabala ng ahensiya na mas matindi ang mararanasang init ngayon kumpara noong nakaraang taon dahil sa umiiral na El Niño.

Nabatid na mas maaga ang deklrasyon ng panahon mg tag-init ngayong taon kunpara noong 2018 na Abril 10.
Sinabi pa ni Analiza Solis, chief ng Climate Monitoring and Prediction Section ng Pagasa na mas maraming probinsya ang makakaranas ng tagtuyot.

Pagsapit ng katapusan ng Abril ay inaasahan ng ahensiya na 61% ng bansa ang nasa dry spell at 51 lalawigan ang direktang apektado kabilang ang 27 lalawigan sa Luzon, 11 sa Visayas at 13 sa Mindanao.

Ang pinakamatinding init umano ay maaaring maranasan pagsapit ng Mayo. Dito umano posibleng umabot sa 40.7 degree celsius ang temperatura sa Northern Luzon lalo sa Tuguegarao habang sa Metro Manila ay maaaring umabot sa 38.2 degrew celsius.

Inaabisuhan ng Pagasa ang publiko na magsagawa ng precautionary measure para iwas heat stress gayundin ay magtipid sa pagkonsumo ng tubig lalo at patuloy umanong bababa ang level ng tubig sa mga dam.

The post Summer umpisa na – Pagasa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *