Sumibat na PhilHealth exec, umakyat sa 44

NADAGDAGAN ang naunang 43 opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na naghain ng courtesy resignation bunsod ng alegasyon ng korapsyon. Sa panayam kay PhilHealth spokesperson Rey Baleña sa radyo ay kinumpirma nito ang pagbibitiw ng isa pang oipsyal sa state health insurer ng bansa, dahilan para umakyat sa 44 na ang bilang ng mga […]

The post Sumibat na PhilHealth exec, umakyat sa 44 first appeared on Abante.

sumibat na philhealth exec umakyat sa 44 - Sumibat na PhilHealth exec, umakyat sa 44
philhealth 2 - Sumibat na PhilHealth exec, umakyat sa 44

NADAGDAGAN ang naunang 43 opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na naghain ng courtesy resignation bunsod ng alegasyon ng korapsyon.

Sa panayam kay PhilHealth spokesperson Rey Baleña sa radyo ay kinumpirma nito ang pagbibitiw ng isa pang oipsyal sa state health insurer ng bansa, dahilan para umakyat sa 44 na ang bilang ng mga nag-resign.

“As of late, ang una nating naipahayag ay 43 na…. Nadagdagan ‘yan ng isa pa na nag-file ng courtesy resignation. Lahat-lahat ‘yan ay 44 na,” pahayag ni Baleña.

Maliban sa karagdagang bilang ay wala nang iba pang binanggit na detalye ang tagapagsalita ng PhilHealth patungkol sa nangyaring pagbibitiw ng mga opisyal ng tanggapan.

Matatandaang Oktubre 8 nang mag-resign ang 43 opisyal kasunod ng apela ni PhilHealth President/Chief Executive officer Atty. Dante A. Gierran na maghain ng courtesy resignation para sa gagawing pagwalis sa mga korap.

Nauna nang nagpatupad ng balasahan si Gierran sa pagitan ng mga regional vice president.

“Kamakailan ay in-order na rin niya (Gierran) ang mga regional vice presidents na i-profile ang lahat ng mga ospital, pasilidad, at mga healthcare professionals. Bahagi na ito, nagsisimula na itong mga anti-fraud measures na bahagi ng kaniyang programa,” dagdag nito.

The post Sumibat na PhilHealth exec, umakyat sa 44 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *