Sumabit sa tricycle kinalawit ni Kamatayan

NASAWI ang isang 33-anyos na lalaki nang masagi ang sinasakyang tricycle ng kasalubong na mini bus habang nakasabit sa sidecar sa Naic, Cavite.

sumabit sa tricycle kinalawit ni kamatayan - Sumabit sa tricycle kinalawit ni Kamatayan
abante patay - Sumabit sa tricycle kinalawit ni Kamatayan

NASAWI ang isang 33-anyos na lalaki nang masagi ang sinasakyang tricycle ng kasalubong na mini bus habang nakasabit sa sidecar sa Naic, Cavite.

Dead-on-arrival sa San Lorenzo Hospital ang biktimang si Dante Marcellana, binata, ng Barangay Sapang 2, Ternate, Cavite habang kapwa ina­resto naman ang driver ng pampasaherong mini bus na isang kulay green na Fuso na may plakang DXW 485 na minamaneho ni Jayson Manalo ng Barangay Munting Ma­pino, Naic, Cavite at isang Red Honda TMX na motorsiklo na may sidecar na minamaneho ni Mark Kevin Dicem, 28-anyos, kung saan sakay nito ang biktima.
Sa ulat ni PSSgt. Rod­rigo Veloso III ng Naic Municipal Police Station, dakong alas-11:00 kamakalawa nang gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Go­vernor’s Highway, Barangay, Malainen Bago, Naic, Cavite kung saan may magkaibang bersiyon na kuwento ang mga dri­ver ng dalawang sasakyan.

Ayon kay Manalo, binabagtas niya ang kahabaan ng highway patungo sa direksiyon ng Maragondon proper at napansin ang biktima na nakatayong nakabitin ito sa sidecar ng minamanehong tricycle ni Dicem, pero sa bersiyon naman ni Dicem, binabagtas nito ang direksiyon ng Naic town proper nang napansin na nag-overtake ang bus at okupahan ang kalsada dahilan upang masagi sila na nagresulta upang madale ang kanyang sakay.

Pero ayon kay Veloso, lumalabas na lasing ang driver ng tricycle at may nakita ring mga bubog ng dalawang sasakyan sa nabanggit na lugar na ipinapalagay na nagbangaan ang dalawang sasak­yan. (Gene Adsuara)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *