Sumabit sa shabu smuggling, na-promote sa BOC

Nagtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong Deputy Commissioners sa Bureau of Customs.

The post Sumabit sa shabu smuggling, na-promote sa BOC appeared first on Abante News Online.

sumabit sa shabu smuggling na promote sa boc - Sumabit sa shabu smuggling, na-promote sa BOC
2019 Abante BOC - Sumabit sa shabu smuggling, na-promote sa BOC

By Aileen ­Taliping

Nagtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong Deputy Commissioners sa Bureau of Customs.

Sa inilabas na mga dokumento ng Malacañang, hinirang ng Pangulo sina Raniel Ty Ramiro, Vener Sia Baquiran at Donato B. San Juan, kapalit ng mga dating opisyal ng BOC.

Papalitan ni Ramiro si Ricardo T. Quinto, habang si Baquiran ang sasalo sa puwesto ni Jesus A. Fajardo, at si San Juan naman ang papalit kay Gladys Rosales sa BOC.

Hindi binanggit ng Palasyo kung ang mga pinalitang opisyal ay natapos na ang termino.

Si Baquiran ay dating district collector ng Manila International Container Port na kasamang sinipa noong 2018 dahil sa paglusot ng bilyong pisong halaga ng shabu na nakatago sa magnetic lifter.

Nahaharap si Baquiran at iba pang opisyal ng BOC sa kasong graft, dereliction of duty at administrative complaint dahil sa paglusot ng shabu shipment sa magnetic lifter.

Matatandaang mainit si Pangulong Rodrigo Duterte sa BOC dahil sa mga natuklasang iregularidad lalo na sa mga ipinupuslit na mga kargamento kaya naglagay ito ng retiradong heneral para pangasiwaan ang ahensiya.

Kabilang sa mga bagong appointee ni Pangulong Duterte ay 27 mga Director at Schools Division Superintendent ng Department of Education.

The post Sumabit sa shabu smuggling, na-promote sa BOC appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *