Suicide ng 16-anyos idinaan sa botohan

PINAIIMBESTIGAHAN ng mga mam­babatas sa Malaysia ang pagpapatiwakal ng isang tinedyer na tumalon sa isang gusali matapos na magsagawa ng botohan sa kanyang mga follower sa Instagram kung dapat ba niyang kitilin ang kanyang buhay.

The post Suicide ng 16-anyos idinaan sa botohan appeared first on Abante News Online.

suicide ng 16 anyos idinaan sa botohan - Suicide ng 16-anyos idinaan sa botohan
ig - Suicide ng 16-anyos idinaan sa botohan

PINAIIMBESTIGAHAN ng mga mam­babatas sa Malaysia ang pagpapatiwakal ng isang tinedyer na tumalon sa isang gusali matapos na magsagawa ng botohan sa kanyang mga follower sa Instagram kung dapat ba niyang kitilin ang kanyang buhay.

Ayon sa mga awtoridad sa Sara­wak, isang 16-anyos na hindi na pinangalanan ang nagsagawa ng poll sa photo sharing app na Instagram at nagtanong ng “Really Important, Help Me Choose D/L” ilang oras bago tumalon mula sa bubong ng isang gusali.

Paliwanag ng isang kaibigan ng biktima ang ibig sabihin ng D/L ay Death/Life.

Lumabas sa resulta ng poll ng tined­yer na 69% ng mga babae ang namili ng ‘D’.

Bunsod ng insidente ay pinaiim­bestigahan ni Mr. Ramkarpal Singh, lawyer at miyembro ng Parliament na siyasatin ang nagtulak sa biktima para wakasan ang buhay.

The post Suicide ng 16-anyos idinaan sa botohan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *