‘Sugar baby’ kumakabig ng P50K kada buwan

Tumaas ang bilang ng mga Filipina na nahuhumaling sa kontrobersyal na dating website na Sugarbook.

The post ‘Sugar baby’ kumakabig ng P50K kada buwan first appeared on Abante.

sugar baby kumakabig ng p50k kada buwan - ‘Sugar baby’ kumakabig ng P50K kada buwan
sugar - ‘Sugar baby’ kumakabig ng P50K kada buwan

Tumaas ang bilang ng mga Filipina na nahuhumaling sa kontrobersyal na dating website na Sugarbook.

Sugarbook ang nagiging tulay ng mga “sugar baby” at “sugar daddy” para magkakilala at magkaroon ng tinatawag na “arrangement”.

Sa inilabas na infograpic ng Malaysia-based Sugarbook sa ulat ng ABS-CBN, sa kabuuang Pinay “sugar baby” na 28,310, 46% ay mga estudyante.

Nasa pagitan naman ng 18-34 ang edad ng mga “sugar baby” member.

Nag-a-average umano ang natatanggap na allowance kada buwan ng mga “sugar baby” mula sa kanilang “sugar daddy” sa P49,700.

Kasalukuyan namang nasa 7,526 ang mga “sugar daddy” mula sa Pilipinas na nakalista sa Sugarbook.

Pinakamaraming “sugar baby” ay nagmula sa Metro Manila sa 12,450 kasunod ang Calabarzon sa 4,822; Central Visayas (3,646); Central Luzon (2,391); at Davao Region (1,799).

Nagmula rin sa National Capital Region ang karamihan ng “sugar daddy” sa 4,507.

Sa pahayag ng dating app sa ABS-CBN, may paglobo na 63% sa mga nag-sign-up mula sa Pilipinas noong March hanggang August ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa ngayon ay mayroon 800,000 subscribers worldwide ang dating website. (IS)

The post ‘Sugar baby’ kumakabig ng P50K kada buwan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *