Sugal sa Facebook talamak

Humingi na ng tulong ang Philippine Gaming Corporation (Pagcor) sa Bangko Sentral ng Pilipinas(BSP), Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Facebook para mapigil ang pagtaas ng mga iligal na sugal sa social media.

The post Sugal sa Facebook talamak first appeared on Abante.

sugal sa facebook talamak - Sugal sa Facebook talamak
facebook - Sugal sa Facebook talamak

Humingi na ng tulong ang Philippine Gaming Corporation (Pagcor) sa Bangko Sentral ng Pilipinas(BSP), Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Facebook para mapigil ang pagtaas ng mga iligal na sugal sa social media.

Sinabi ng Pagcor na hiniling nila sa BSP at AMLC na magsagawa ng imbestiģasyon sa mga banko, remittance services, at payment solutions na ginagamit sa iligal na operasyon.

Ayon pa sa Pagcor, ang fraud at swindling ay base sa pagkuha ng pusta sa publiko at sinasabing mga lehitiming negosyo pero sa katunayan ay walang awtoridad.

Iginiit naman ng Pagcor sa mga Facebook manager na makipagtulungan sa mga awtoridad sa Pilipinas para mahinto ang iligal na sugal na ipino-promote sa kanilang platform.

Umapela rin ang Pagcor sa Philippine National Police Anti- Cybercrime Group (PNP-ACG) na magsagawa pa ng operasyon laban sa illegal online bingo.

Nabatid na tumaas umano ang illegal online gambling na pinu-promote sa social media platforms tulad ng Facebook nang magsimula ang COVID19 pandemic.(Juliet de Loza-Cudia)

The post Sugal sa Facebook talamak first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *