Subasta sa P700M Marcos ill-gotten wealth ilarga na!

PINAKIKILOS na ng Malacañang ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) para ilarga ang pagsubasta sa mga nakumpiskang alahas ni dating Unang Ginang Imelda Marcos na bahagi ng ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.

The post Subasta sa P700M Marcos ill-gotten wealth ilarga na! appeared first on Abante News Online.

subasta sa p700m marcos ill gotten wealth ilarga na - Subasta sa P700M Marcos ill-gotten wealth ilarga na!
imelda 1 - Subasta sa P700M Marcos ill-gotten wealth ilarga na!

PINAKIKILOS na ng Malacañang ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) para ilarga ang pagsubasta sa mga nakumpiskang alahas ni dating Unang Ginang Imelda Marcos na bahagi ng ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.

Ito ay makaraang opis­yal nang inabisuhan ng Office of the President (OP) ang PCGG para ilarga ang pagbebenta sa mga alahas ng dating unang ginang alinsunod sa umiiral na mga panuntunan at regulasyon ng batas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pane­lo na ngayong mayroon nang opisyal na abiso ang tanggapan ng Pangulo ay maaari nang simulan ang pagsubasta sa mga alahas na nagkakahalaga ng mahigit P700 million.

“The PCGG should now undertake the process of auctioning the Marcos’ jewelries,” ani Panelo.

Matatandaang noong nakalipas na linggo pa nagbigay ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte sa PCGG para isalang sa auction ang mga kumpiskadong alahas ni Ginang Marcos basta matiyak lamang na mapupunta sa mamamayan ang napagbentahan nito.

Sa text message ni Exe­cutive Secretary Salvador Medialdea, iniha­yag nitong opisyal nang inabisuhan ang PCGG na ituloy ang gagawing pagsubasta sa mga alahas basta matiyak lamang na walang malalabag na batas sa gagawing aksyon.

“OP has officially informed PCGG that it interposes no objections to the proposed activities relative to the disposal of the Marcos Jewelry Collections, subject to compliance w/ existing laws, rules and regulations. Good Day,” mensahe ni Medialdea. (Aileen Taliping)

The post Subasta sa P700M Marcos ill-gotten wealth ilarga na! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *