‘Stop and go’ scheme binuhay dahil sa SEA Games

IPATUTUPAD ng Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) ang ‘stop and go’ scheme sa EDSA at ilang pangunahing kalsada sa Kalakhang Maynila kasabay ng Southeast Asian (SEA) Games.

stop and go scheme binuhay dahil sa sea games - ‘Stop and go’ scheme binuhay dahil sa SEA Games
sea games - ‘Stop and go’ scheme binuhay dahil sa SEA Games

IPATUTUPAD ng Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) ang ‘stop and go’ scheme sa EDSA at ilang pangunahing kalsada sa Kalakhang Maynila kasabay ng Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon sa MMDA Assistant Secretary Celine Pialago, isasakatuparan ang stop and go scheme mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 6. Layon nito na mapadali ang pagbiyahe ng mga atleta at delegado ng SEA Games sa mga ve­nue ng palaro sa Metro Manila.

“Wala po tayong guguluhin sa regular traffic na nararanasan sa EDSA or other primary roads. Patitigilin lang po ang mga motorista kapag nandiyan na ‘yong convoy. Paglagpas ng convoy, balik-normal na ho ang sitwasyon,” ani ni Pialago.

Dahil dito, inabisuhan naman ni Pialago ang mga motorista na asahan ang mas mabigat na daloy ng trapiko dahil magsasabay ang biyahe ng mga delegado ng palaro sa trapikong dulot ng holiday season. Alam natin ‘ber’ months… of course, magkakaroon ng ganitong malaking event so makakadagdag po ito sa mabigat na daloy ng trapiko,” pahayag pa ng opisyal.

Walang road closure o one-way traffic scheme na ipatutupad sa Metro Manila sa kasagsagan ng SEA Games mali­ban sa Adriatico St. at P. Ocampo St. sa Maynila.

Nabatid na hindi bababa sa 15 venue sa Metro Manila ang pagdarausan ng mga pala­ro sa SEA Games at 20 hotel ang tutuluyan ng mga atleta at kinatawan mula sa ibang mga bans­a sa Southeast Asia.

Sinabi pa ni Pialago na naunawan naman aniya ng mga motorista ang pagpapatupad ng traffic scheme para sa SEA Games.

Aabisuhan naman ng MMDA sa mga shopping mall sa EDSA at malapit sa competition venue na huwag munang mag-sale habang idinadaos ang SEA Games.

Bukod pa rito, iminungkahi rin ng ahensiya na suspendehin muna ang pasok sa mga paaralan sa mga lugar na malapit sa competition venue mula Dis­yembre 2 hanggang 6.

Ang stop and go scheme ay dating pinatupad noong APEC 2015 Summit kung saan ikinainis ito ng mga motorista dahil sa nilikhang trapik. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *