STI isasara 12 eskuwelahan

Isinara na ng STI ni Eusebio Tanco ang STI Pagadian campus nito effective sa school year na 2020-21 at sinuspinde ang operations ng STI Cebu, STI Iloilo, STI Quezon Avenue at STI Tuguegarao dahil konti lamang ang nag-enrol.

The post STI isasara 12 eskuwelahan first appeared on Abante.

sti isasara 12 eskuwelahan - STI isasara 12 eskuwelahan
sti - STI isasara 12 eskuwelahan

Isinara na ng STI ni Eusebio Tanco ang STI Pagadian campus nito effective sa school year na 2020-21 at sinuspinde ang operations ng STI Cebu, STI Iloilo, STI Quezon Avenue at STI Tuguegarao dahil konti lamang ang nag-enrol.

Bukod sa limang company-owned na mga paaralan, isasara din ang pitong franchise: STI College Bohol, STI College Recto, Sungold Technologies, STI College Pasay, DTI College Dipolog, at STI College San Francisco at STI College Paranaque na nagsuspinde ng operations ngayon taon dahil sa mababang enrolment.

Ayon sa STI, bibigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong mag-transfer sa ibang STI schools kung sinara ang kanilang mga pinapasukan.

Sa isang disclosure sa Philippine Stock Exchange kahapon, kinumpirma ng STI ang pagsasara ng 12 paaralan nito para makatipid sa renta at gastos sa pagpapatakbo ng paaralan.

Mahigit P200 milyon ang nawala sa kita ng STI Education Systems Holdings Inc.

Ayon sa disclosure ng STI sa Philippine Stock Exchange, P172.5 milyon na lamang ang net income o tubo ng kompanya nung katapusan ng Marso 2020 kumpara sa P376.4 milyong tubong inulat nito nung katapusan ng Marso 2019.

Ayon sa disclosure ng kompanya, bumaba ang koleksyon o revenues nito sa P201.5 milyon nung 2019 kumpara sa P225.2 milyon nung 2018. Pinakamalaki ang binaba ng revenues sa Metro Manila na P113.4 milyon na lang ang inabot nung 2019 kumpara sa P155.4 milyon nung 2018 at lumaki pa ang lugi ng kompanya sa Northern Luzon na umabot na sa P23.9 milyon kumpara sa lugi na P2.5 milyon nung 2018. (Eileen Mencias)

The post STI isasara 12 eskuwelahan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *