‘Spider Boy’ ng Cavite naispatan sa bubong

NATUKOY na rin ng Cavite police ang suspek sa serye ng nakawan sa kanilang lugar matapos na maaresto ang tinaguriang ‘Spider Boy’ ng Bacoor City.

spider boy ng cavite naispatan sa bubong - ‘Spider Boy’ ng Cavite naispatan sa bubong
kulong 11 - ‘Spider Boy’ ng Cavite naispatan sa bubong

NATUKOY na rin ng Cavite police ang suspek sa serye ng nakawan sa kanilang lugar matapos na maaresto ang tinaguriang ‘Spider Boy’ ng Bacoor City.

Nakakulong ngayon sa Bacoor City Custodial Center si Junjun Martinez, 19, ng Brgy. Molino 3, Bacoor City Cavite dahil na rin sa reklamo ng residente sa lugar.

Sa ulat ni P/SSgt. Francis Mark Cortez, ng Bacoor city police station, alas-5:30 kahapon ng madaling-araw nang maaresto ang suspek nang tangkain nitong umakyat sa bubong ng isang bahay sa Brgy. Molino 2, Bacoor City, Cavite.

Ayon kay Cortez, modus operandi ni Martinez na umakyat sa bubong ng bahay na inaakala niyang walang tao saka nito tinutiklap ang yero. Pagpasok ay nililimas nito ang mga gamit kaya nabansagang Spider Boy.

“Nagsu-surveillance muna yan, pag nalaman niyang umalis ang tao sa bahay saka yan kakana,” ayon kay Cortez.

Dahil na rin sa dami ng reklamong natatanggap ay nagmanman ang mga barangay official na ikinadakip ng suspek. (Gene Adsuara)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *