South extension ng LRT-1 umarangkada na

POSIBLENG masosolusyunan na ang araw-araw na trapik na dinaranas ng mga commuter patungong Cavite dahil umarangkada na ang konstruksiyon ng South Extension, Light Rail Transit (LRT)-1.

The post South extension ng LRT-1 umarangkada na appeared first on Abante News Online.

south extension ng lrt 1 umarangkada na - South extension ng LRT-1 umarangkada na
LRT 2 - South extension ng LRT-1 umarangkada na

POSIBLENG masosolusyunan na ang araw-araw na trapik na dinaranas ng mga commuter patungong Cavite dahil umarangkada na ang konstruksiyon ng South Extension, Light Rail Transit (LRT)-1.

Ito ay bahagi ng Build Build Build Cavite Rail Extension Pro­jects ng Department of Transportation (DOTr) na magdudugtong sa LRT-1, Baclaran patu­ngong Barangay Niog, Bacoor City lalawigan ng Cavite.

Dadaanan ng LRT-1 Cavite Extension ang Parañaque City at Las Piñas City, patungong Bacoor, Cavite.

Nabatid na ang naturang proyekto ay pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Ang 11.7 kilometer extension ay may 8 bagong LRT station mula sa Redemptorist Station, Mia Station, Asia World Station, Ninoy Aquino Avenue Station, Dr. Santos Station, Las Piñas Station, Zapote Station at Barangay Niog Station.

Kapag tuluyan nang natapos ang proyekto, mahigit sa 800,000 commuter ang mapagsisilbihan nito sa kasalukuyang 458,000 na halos doble ang bilang ng mga mananakay ang makikinabang.

Isinagawa ang ‘Star of Works Ceremonies’ sa C5 Extension, Barangay San Dionisio, Parañaque City. ­(Armida Rico)

The post South extension ng LRT-1 umarangkada na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *