Sotto pinasaringan si Vice

PINASARINGAN ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang kanyang mga kritiko, kabilang na ang comedian-actor na si Vice Ganda, kung saan sinabi nitong natatalo sila sa debate kaya personal na ang pag-atake nito sa kanya.

sotto pinasaringan si vice - Sotto pinasaringan si Vice
Abante 2019 Vice Ganda 1 - Sotto pinasaringan si Vice

PINASARINGAN ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang kanyang mga kritiko, kabilang na ang comedian-actor na si Vice Ganda, kung saan sinabi nitong natatalo sila sa debate kaya personal na ang pag-atake nito sa kanya.

Sa kanyang post sa Instagram noong Biyernes, walang direktang binanggit na tao o partikular na isyu ang senador at patungkol lamang ang kanyang opinyon sa pinagdebatehang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) bill.

“When people resort to personal attacks, it means they have lost the debate! (lol),” sabi ni Sotto.

Binatikos si Sotto ng mga netizen kasunod ng kanyang naunang pahayag na hindi kailanman magiging babae ang isang lalaki dahil kawalan nila ng obaryo at hindi magkaanak.

“If you are a man, you will never be a woman no matter what you do. Because you cannot reproduce, you cannot give birth, you do not have ovaries. You will never be a woman,” naunang pahayag ni Sotto.

Isa sa mga kritiko ni Sotto si Vice Ganda na naunang kinastigo ang senador dahil sa kanyang pag-atake sa kababaihan.

“Joke po ba ito Hon. Senate President Tito Sotto??? Sinasabi nyo po ba na naniniwala kayo na ang pagiging BABAE ay nasusukat lamang sa pagkakaroon ng obaryo o matris at sa kakayahan lang na mabuntis o magka-anak?” sabi ni Vice Ganda sa kanyang Instagram noong Huwebes.

Dalawang beses nang nagsagawa ng pagdinig ang Senado sa SOGIE bill na inihain ni Senador Risa Hontiveros.

Layunin ng panukala na parusahan ang sinumang gumagawwa ng diskriminasyon sa basehan ng sexual orientation at gender identity at expression. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *