Sotto, Lacson aprub sa paghabol sa mga narco-politiko

KINATIGAN nina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang paghahabol ng Philippine National Police (PNP) sa mga nanalong narco-politiko.

The post Sotto, Lacson aprub sa paghabol sa mga narco-politiko appeared first on Abante News Online.

sotto lacson aprub sa paghabol sa mga narco politiko - Sotto, Lacson aprub sa paghabol sa mga narco-politiko
sotto 4 - Sotto, Lacson aprub sa paghabol sa mga narco-politiko

KINATIGAN nina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang paghahabol ng Philippine National Police (PNP) sa mga nanalong narco-politiko.

Naniniwala rin si Sotto na may posibilidad na nagamit ng mga narco-politiko ang drug money sa kanilang kampanya kaya sila nanalo.

“It’s possible. I agree with Chief PNP. Charges versus them should be pursued,” saad ni Sotto.

Sinabi naman ni Lacson na kailangan ding ipagpatuloy ng PNP ang panganga­lap ng mga solidong ebidensya laban sa mga sinasabing narco-politiko upang mas maging malakas ang kaso laban sa mga ito.

Mas makabubuti rin aniya na ikasa na ang kaso sa mga nanalong kandidato na kabilang sa narcolist bago sila ma­ging subject ng mga police operation o public shaming.

“I agree with CPNP Albayalde, except that they should continue gathering solid evidence and build up strong cases against those winning candidates first before conducting any police operations against them, or shaming them publicly on the basis of mere intelligence reports,” saad ni Lacson.(Dang ­Samson-Garcia)

The post Sotto, Lacson aprub sa paghabol sa mga narco-politiko appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *