Sotto kay Gamboa: Tanim ebidensya madali sa 50 gramo

Hindi sinang-ayunan ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III ang suhestiyon ni Philippine National Police (PNP) Director General Archie Gamboa na patawan ng death penalty ang sinomang mahuhulihan ng 50 gramo ng iligal na droga.

sotto kay gamboa tanim ebidensya madali sa 50 gramo - Sotto kay Gamboa: Tanim ebidensya madali sa 50 gramo
tonite tito sotto - Sotto kay Gamboa: Tanim ebidensya madali sa 50 gramo

Hindi sinang-ayunan ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III ang suhestiyon ni Philippine National Police (PNP) Director General Archie Gamboa na patawan ng death penalty ang sinomang mahuhulihan ng 50 gramo ng iligal na droga.

“Hindi naman pwede `yon. The present law says 200 (grams), non-bailable, paanong naging 50 (grams) lang death penalty?” tweet ni Sotto na isa sa mga may-akda ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“If they insist, then forget the bill,” dagdag pa nito patungkol sa nakabinbing panukala sa Kongreso para ibalik ang parusang kamatayan.

Una nang sinabi ni Sotto na may tsansa ang death penalty sa Senado kung itutuon ito sa high-level trafficking.

“50 grams is easy to plant! My bill says `High level Drug Trafficking only,’ if you want it to stand a chance!” tweet pa ni Sotto.

Sa isang panayam noong Miyerkoles, sinabi ni Gamboa na sapat na ang 50 gramo pataas na makukuha sa isang drug offender para mahatulan ito ng death penalty subalit ito’y personal na pananaw lamang niya at nasa pagpapasya pa rin ng Kongreso. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *