Sotto kay Albayalde: Sisihin mo Senado ‘wag si Magalong

HINDI umano dapat sisihin ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde si dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa pagkakaladkad ng una sa isyu ng ‘ninja cops’.

sotto kay albayalde sisihin mo senado wag si magalong - Sotto kay Albayalde: Sisihin mo Senado ‘wag si Magalong
sott - Sotto kay Albayalde: Sisihin mo Senado ‘wag si Magalong

HINDI umano dapat sisihin ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde si dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa pagkakaladkad ng una sa isyu ng ‘ninja cops’.

Ito ang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III kahapon dahil Senado naman umano ang nagpalutang sa isyu ng ‘ninja cops’ at hindi si Magalong.

“Kung may dapat sisihin, let’s say si Albayalde, Senado ang sisihin niya.

‘Yung blue ribbon, hindi si Mayor Magalong. Mayor Magalong was forced to say what happened during the investigation,” pahayag ni Sotto sa isang forum kahapon sa Maynila.

Ayon kay Sotto, wala naman umanong intensiyong idawit si Albayalde sa isyu subalit lumutang na lang ito nang tanungin ng mga senador si Magalong tungkol sa isyu ng pag-recycle ng droga sa New Bilibid Prison.

“Kami pa nga nagtanong eh. Kaya huwag nilang masamain, I’d rather think na lumitaw lang ito because of the investigation,” sabi ni Sotto.

Sa pagdinig sa Senado noong Setyembre 19, sinabi ni Ma­galong na ilang mga pulis ang nagbebenta ng iligal na droga na nakumpiska nila sa kanilang anti-drug operation.

Sabi pa ni Magalong, ilang opisyal pa ng PNP ang sangkot diumano sa naturang kalakaran.

Nang tanungin ng mga senador na pangalanan ang mga pulis na sangkot, sinabi ni Magalong na ibubunyag niya ang mga ito sa executive o closed-door session.

Gayunman, nagdesisyon ang mga senador na isapubliko ang mga isiniwalat ni Magalong sa closed-door session.

Ipinadala rin ng Senate blue ribbon at justice committee ang transcript ng executive session kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna nang sinabi ni Alba­yalde na may kinalaman sa pagpili ng susunod na PNP chief ang paglutang sa isyu ng ‘ninja cops’.

Pero sabi ni Sotto, hindi totoo ang duda ni Albayalde.

“Ikinalulungkot kong sabihin na hindi totoo ‘yong mga sinabi niya (Albayalde). Accidental lang ‘yong kay Mayor Magalong. What you are hearing now is precisely what happened (during the exe­cutive session), there is nothing else, there is nothing to hide,” sabi ni Sotto. (Dindo Mati­ning)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *