Sorsogon folk dance pasok sa Guinness

PUMASOK sa Guinness Book of Records ang Sorsogon bilang pinakamaraming bilang ng mga nagpartisipa sa Filipino folk dance.

sorsogon folk dance pasok sa guinness - Sorsogon folk dance pasok sa Guinness
ABANTE Sorsogon folk dance - Sorsogon folk dance pasok sa Guinness

PUMASOK sa Guinness Book of Records ang Sorsogon bilang pinakamaraming bilang ng mga nagpartisipa sa Filipino folk dance.

Hindi inalintana ng may 7,000 dancer na nakasuot ng Filipino traditional outfits na sabay-sabay na nagsayaw ng folk dance, ang pagpatak ng ulan.

Sa kabuuang bilang nabatid kay Swapnil Dangarikar, official adjudicator of Guinness World Records na may 7,127 katao ang lumahok sa 30 minutong ‘Pantomina sa Tinampo’ (folk dance on the street) na isinagawa noong Huwebes, Oktubre 31.

Ginawa ang folk dance sa may limang kilometrong kalsada ng Sorsogon bilang highlight sa Kasanggayahan Festival na isang buwang selebrasyon ng ika-125 taon ng Sorsogon bilang lalawigan.

Kasama ring sumayaw sina Sorsogon Governor Francis ‘Chiz’ Escudero at ang kanyang misis na si Heart Evangelista-Escudero.

“The award goes to each and everyone, in fact, it is more than a record because we showed unity,” ayon kay Escudero.

Sinabi ni Escudero na may isang buwan nag-practice ang mga tao na lumahok sa aktibidad.

“If we can do this, then there is no excuse for us, as Sorsoganons, not to be able to move together and united in one direction to achieve the dreams and aspirations of our people,” dagdag ni Escudero. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *