SONAlam mo ba?

Bakit mayroong State of the Nation Address (SONA) ang mga pangulo ng Pilipinas? Tuwing kailan lang ito maaaring ganapin? Ilan ito sa mga tanong na nais nating masagot sa tuwing ginaganap ang taunang talumpati ng lider ng bansa tuwing ika-apat na Lunes ng Hulyo.

The post SONAlam mo ba? appeared first on Abante News Online.

sonalam mo ba - SONAlam mo ba?
SONA - SONAlam mo ba?

By Gel Manalo

Bakit mayroong State of the Nation Address (SONA) ang mga pangulo ng Pilipinas? Tuwing kailan lang ito maaaring ganapin? Ilan ito sa mga tanong na nais nating masagot sa tuwing ginaganap ang taunang talumpati ng lider ng bansa tuwing ika-apat na Lunes ng Hulyo.

Bukod rito, alamin pa natin ang iba pang mahahalagang kaganapan sa mga nakaraang SONA.

*Ginanap ang kauna-unahang SONA noong 1935 ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Legislative Building sa Maynila.

Sa kabuuan nakapagpahayag si Quezon ng 7 SONA, ang huli ay noong 1941.
*Walang naihayag na SONA si dating Pangulong Jose P. Laurel, hindi kasi ito pinahintulutan noong panahon ng pananakop ng mga Japanese mula 1942 hanggang 1944.

*Nagkaroon lamang ng isang SONA si Pa­ngulong Sergio Osmeña, ginanap ito noong Hun­yo 9, 1945.

*Si dating Pangulong Elpidio R. Quirino ang kauna-unahan at natatanging naging lider ng bansa na nag-SONA nang naka-live radio broadcast, naganap ito noong 1950.

Hindi ito nakapagtalumpati sa harap ng Kong­reso dahil na-confine ito noon sa John Hopkins Hospital sa Baltimore, Maryland, USA.

*Pinakamaraming SONA si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, may kabuuan itong 20. Sinundan siya ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na mayroong 9.

*Noong panahon ng batas militar, ginanap ang SONA ni Marcos sa iba’t ibang lugar, sa Malacañang noong 1973 at 1974, Quirino Grandstand noong 1975, Philippine International Convention Center noong 1976 at sa Luneta Park noong 1977.
Sa mga nasabing taon ginanap ang talumpati ng dating pangulo kasabay ng anibersaryo ng pagdedeklara ng batas militar noong Setyembre 21.

*Simula noong 1986, mandato na ng Kons­titusyon na isagawa ng pangulo ang SONA tuwing ika-apat na Lunes ng Hulyo.

*Si dating Pangulong Benigno S. Aquino III ang kauna-unahan at tanging nagpahayag ng SONA sa wikang Filipino, habang si Pangulong Rodrigo Roa Duterte naman ay gumamit ng magkahalong Filipino, English at Bisaya.

The post SONAlam mo ba? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *