Solon wapakels sa sesyon

Mistulang may sariling mundo itong isang mambabatas dahil wala siyang pakialam sa mga nangyaring kaganapan sa Kamara lalo na noong kainitan ng agawan sa liderato sa Batasan.

The post Solon wapakels sa sesyon first appeared on Abante.

solon wapakels sa sesyon - Solon wapakels sa sesyon
Abante Kartada 8 - Solon wapakels sa sesyon

Mistulang may sariling mundo itong isang mambabatas dahil wala siyang pakialam sa mga nangyaring kaganapan sa Kamara lalo na noong kainitan ng agawan sa liderato sa Batasan.

Mismong itong mambabatas ang nagmalaking hindi siya dumadalo sa virtual session ng mga kasamahang kongresista dahil ayaw aniya nitong makigulo pa .

Hindi kasi techie si sir kaya hindi wala siyang interes na sumali sa zoom meeting sa plenaryo.

Katwiran pa nitong mambabatas, mas neg-eenjoy siyang maglibot sa lugar ng kanyang constituents kaysa dumalo sa virtual session sa Kongreso.

Tatawa-tawa pa itong si Kongresista sa pagsasabing hayaan na lamang niya ang mga kasamahang nakikisawsaw sa isyu ng house leadership dahil mas hayahay ang buhay niya sa probinsiya.

Simula nang ag-lockdown ay hindi na bumalik sa Maynila itong si Cong at para hindi aniya mabagot ay naglilibot-libot ito sa kanyang distrito para kumustahin ang mga kababayan sa epekto ng COVID pandemic.

Pero ang sabi ng mga miron sa lugar ni Cong, wala naman umanong tulong ito sa mga naghirap sa COVID crisis at ang ginagawa lamang ay mangumusta . Boksingero daw ito kaya sa halip na matuwa ay lalong nainis pa sa kanya ang mga bumoto noon sa kanya.

Clue: si Cong ay tubong Mindanao at kaibigan ng Presidente pero kaaway ng kanyang matapang na anak. O gets na?

The post Solon wapakels sa sesyon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *