Solon tiniktikan sa suhulan

MAINIT pa rin ang dugo ngayon ng isang mambabatas laban sa isang empleyado dahil sa ginawang paniniktik nito sa sinasabing panunuhol niya sa media.

solon tiniktikan sa suhulan - Solon tiniktikan sa suhulan
kartada11 2 - Solon tiniktikan sa suhulan

MAINIT pa rin ang dugo ngayon ng isang mambabatas laban sa isang empleyado dahil sa ginawang paniniktik nito sa sinasabing panunuhol niya sa media.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na ayaw umanong makita ng mambabatas ang empleyado na nagpakalat ng tsismis tungkol sa kanya.

Nag-akusa kasi ang empleyado na nagaganap ang suhulan sa extension office ng mam­babatas.

Itong empleyado ay kilalang espiya naman ng isang mambabatas mula sa oposisyon.

Dahil dito, markado sa mambabatas ang empleyado at sinasabing naging dahilan sa pagkakalipat nito sa kangkungan na opisina.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na tinitiktikan sa umano’y suhulan ay mahilig magpatawa at may letrang S sa kanyang pa­ngalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *