Solon praning kay Mang Teban

SINO raw itong mambabatas ang praning na kay Mang Teban dahil sa dami ng mga blind item na lumalabas tungkol sa kanya?

solon praning kay mang teban - Solon praning kay Mang Teban
kartada11 1 - Solon praning kay Mang Teban

SINO raw itong mambabatas ang praning na kay Mang Teban dahil sa dami ng mga blind item na lumalabas tungkol sa kanya?

Nakarating sa kaalaman ni Mang Teban na pinaiimbestigahan daw ng mambabatas kung sino ang nagli-leak ng impormasyon tungkol sa kanya.

Kabilang sa gustong malaman ng mambabatas ay kung sino si Mang Teban na siyang bumibira sa kanya sa pamamagitan ng mga blind item.

Kaya naman itong mga staff ng mambabatas, aligaga sa paghahanap sa taong gumagawa ng blind item sa kanilang amo.

Lahat na lang yata ginawang suspek, kahit na ang mga bugoy na tumatambay lang sa kapulungan.

Eh kasi naman, tumbok ang mga baho ng mambabatas sa mga lumalabas na blind item.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na praning sa kahahanap kay Mang Teban ay kilalang pikon at may letrang A sa kanyang pangalan as in Alam na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *