Solon padrino ng POGO

kartada

Sino daw itong mambabatas ang madalas lapitan ng mga negosyanteng Chinese?

solon padrino ng pogo - Solon padrino ng POGO
kartada11 - Solon padrino ng POGO

Sino daw itong mambabatas ang madalas lapitan ng mga negosyanteng Chinese?

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na nitong nakaraang araw lamang ay pinadala ng mambabatas ang kanyang sanggang dikit para kausapin ang mga Chinese businessman.

Mukhang dumidikit ang mga negosyanteng ito sa politiko upang magsilbing tagasalba kapag nagkaroon ng problema sa operasyon ng kanilang negosyo.
Siyempre hindi naman ipagtatanggol ng mambabatas ang mga negosyanteng ito kung walang kapalit. Ang lagay eh ganun lang yun?

Ang classic nito, pinapakita pa ng mambabatas at ng kanyang alalay na kontra sila sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO). Siyempre para hindi halata.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na padrino ng POGO ay kila­lang malapit sa kusina ng Malacañang at minsang naakusahang chickboy o puwede sa chicks, puwede sa boy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *