Solon na-OP sa kasuotan

kartada

AGAW-PANSIN sa isang event ang isang mambabatas dahil bukod-tanging siya lamang ang hindi naka-uniporme.

The post Solon na-OP sa kasuotan appeared first on Abante News Online.

solon na op sa kasuotan - Solon na-OP sa kasuotan
kartada11 - Solon na-OP sa kasuotan

AGAW-PANSIN sa isang event ang isang mambabatas dahil bukod-tanging siya lamang ang hindi naka-uniporme.

Sa ibinatong impormasyon kay Mang Teban, ang bigating mambabatas lang daw ang naiiba sa okasyon dahil mistulang pang-kasal ang kanyang suot.

Mantakin ba naman kasing pumorma ito ng naka-barong tagalog gayung ang event na kanyang pinuntahan ay ang pagpapala ng lupa kaya’t parang na-OP ito o out of place.

Ang ibang kasamahan niya ay nakasuot ng polo shirt na akmang-akma sa event, kaya’t ang bigating mambabatas lamang ang naiiba.

Hinala tuloy ng iba, baka hindi kumasya ang polo shirt na ibinigay dito dahil sa laki ng kaha eheste ng tiyan kaya’t itinuloy na lang ang pagsusuot ng barong tagalog.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na hindi nagkasya ang polo shirt sa laki ng tiyan ay marunong magsalita ng bisaya at may letrang D sa kanyang panga­lan as in Dughan.

The post Solon na-OP sa kasuotan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *