Solon kinuyog sa pakain

NAIS lang ng isang mambabatas na magpasalamat sa mga taong tumutulong sa kanya para makilala siya ng publiko.

solon kinuyog sa pakain - Solon kinuyog sa pakain
kartada11 2 - Solon kinuyog sa pakain

NAIS lang ng isang mambabatas na magpasalamat sa mga taong tumutulong sa kanya para makilala siya ng publiko.

Kaya ang naisip nito ay pakainin sila ng tanghalian upang sa gayon ay makabayad siya ng utang na loob.

Pagkain para sa 80 katao ang kanyang inorder sa caterer, sobra sa inaasahan niyang 50 kataong mabibiyayaan ng kanyang pananghalian.

Subalit laking gulat ng mambabatas nang umabot sa higit 100 katao ang pumasok sa kuwarto at nakikain sa kanyang handa.

Nabalitaan kasi ng mga staff na may pa­kain ang mambabatas kaya’t nag-gate crash sila kahit hindi naman sila imbitado.

Wala namang magawa ang mambabatas sa pagbaha ng mga tao lalo na noong tumaob ang kaldero dahil sa kinulang ang pagkain.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na kinuyog sa kanyang pakain ay may asawang magaling mag­luto. May letrang S sa kanyang pangalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *